33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Libreng klase kung paano sumulat at bumasa, nationwide na

SI EDWIN ANDO, na may kapansanan sa pandinig, ay nakatitig sa liham na natanggap niya. Ngunit para sa kanya ito ay halo-halong mga simbolo lang.

Alam niyang mahalaga ang dokumento dahil sa opisyal na selyo sa sobre. Ngunit hindi niya ito maintindihan, kahit anong pagsisikap ang gawin niya.

“Nalulungkot ako at hindi ako naiintidihan ng mga tao. Iniisip ko na sa bahay lang ang tanging ligtas na lugar para sa kagaya kong hindi marunong bumasa at sumulat,” ang sabi ni Edwin. “Dahil sa ganoong pananaw, nakita ko ang aking sarili na laging nag-iisa.”

Isa pang bingi na nagngangalang Rogelly Nalugon ang nagsabi: “Hindi ko naiintindihan ang ibang tao. Napaka-boring ng buhay ko.”

Nakakalungkot na hindi makapasok si Rogelly sa paaralan upang matuto ng mga pangunahing kasanayan sa komunikasyon sa murang edad.

Ang kawalan ng kakayahang bumasa at sumulat ay isa sa mga problema sa Pilipinas.

Ayon sa istatistika ng World Bank noong 2021, hindi bababa sa siyam sa 10 bata na may edad 10 ang nahihirapang magbasa at magsulat ng simpleng mga pangungusap.

Sa buong mundo, ang bilang na ito ay tinatayang 771 milyon, mula sa 763 milyon bago ang pandemya.

Upang bigyang pansin ang patuloy na pangglobong isyung ito, inorganisa ng UNESCO ang ika-56 na taunang International Literacy Day na ipagdiriwang sa Setyembre 8, 2023.

Bilang tugon sa tuloy-tuloy na pagbaba ng bilang ng mga hindi marunong bumasa at sumulat, na pinalala ng pandemya, ang napiling tema sa taong ito ay “Pagtataguyod ng Kaalaman Para sa Isang Mundo na Nasa Pagbabago: Pagbuo ng Pundasyon Para sa Matatag at Mapayapang Lipunan.”

Matagal nang nauunawaan ng mga Saksi ni Jehova ang kaugnayan ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat sa pagkakaroon ng mapayapang pamayanan.

Simula noong 1940s, patuloy silang nagsagawa ng libreng klase ng pagbasa at pagsulat sa buong mundo gamit ang mga tulong sa pag-aaral na Learn to Read and Write at ang Apply Yourself to Reading and Writing.

Si Edwin at Rogelly na binanggit sa itaas ay kabilang sa mga nakinabang sa programang ito sa buong mundo.

BASAHIN  Mahigit 161-K passenger arrivals, naitala ng BI

“Isang Saksi ni Jehova ang matiyagang tumulong sa akin na matuto ng wikang pasenyas. Yung mundong inaakala ko dati na malungkot at nakakulong ay naging masigla at malawak. Ang makabasa, makapagsulat, at makipag-usap sa iba ay nagbukas ng isang bagong mundo ng pagkakataon para sa akin. Nagbigay ito sa akin ng panibagong simula sa buhay ko. Ang gaan sa pakiramdam,” ang sabi ni Edwin, na isa na ngayong Saksi ni Jehova.

“Labis akong naantig at nagpapasalamat sa kaloob ng Diyos na wika. Marunong na ako ngayong makipag-usap ng maayos, magbasa at magsulat. Nagkaroon din ako ng pribilehiyong magturo sa ibang mga bingi na matuto mula sa Maylikha,” ang sabi ni Rogelly.

“Para sa maraming tao, ang kakayanang magsalita at maunawaan ng iba ay pinagmumulan ng tunay na kaligayahan. Pakiramdam nila ay tanggap at kabilang sila sa komunidad kapag marunong silang magbasa at magsulat,” ang sabi ni Ruel Palle, isang boluntaryo at ministro ng mga Saksi ni Jehova na nakatira sa Cagayan de Oro.

“Ngunit bukod sa lahat ng pakinabang na ito, ang nagbibigay sa kanila ng tunay na kaligayahan ay ang pag-asa na nakalaan para sa kanila na matatagpuan sa Bibliya.”

Bukod sa pag-aalok ng mga klase sa pagbasa at pagsulat, ginagamit din ng mga Saksi ni Jehova ang ilang mga publikasyon tulad ng Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo sa kanilang lingguhang programa ng pagpupulong.

Kahit sa panahon ng pandemiya, nang ang kanilang mga pagpupulong ay idinadaos sa pamamagitan ng video conference, maraming pamilya ang patuloy na nakinabang sa pagtuturong ito.

Si Normito Zapata Jr. na taga Los Baños, Laguna ay may dalawang anak. Hinikayat niya ang kanyang mga anak na huwag pabayaan ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat.

Sabi niya: “Ang kakayahang magbasa at magsulat ay pundasyon ng kasanayan na mahalaga sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Ang mental, emosyonal, at espirituwal na pagsulong ay mahirap kung walang kakayanang bumasa at sumulat.”

BASAHIN  Red Cross namahagi ng humanitarian package sa Davao De Oro matapos ang lindol

Dagdag pa ni Normito na nakikinabang ang mga anak niya mula sa pagsasanay na ibinibigay sa mga midweek meeting ng mga Saksi ni Jehova.

“Ang mga pulong na ito ay tiyak na nakakatulong sa aming mga anak na mapasulong ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pakikipag-usap. Ginagamit ng mga bata ang audio recording ng Bibliya para itama ang kanilang pagbigkas at pagpapaiba-iba ng tono ng boses. Nakakatulong ito sa kanila na magbasa nang may pananalig at kumpiyansa. Nakatulong din ang kanilang pakikibahagi sa pagbabasa ng Bibliya para magkaroon sila ng kasanayan sa pagsasalita sa publiko, mahusay na tindig, at tamang pag-aayos at pananamit,” ang sabi niya.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Walang kinukuhang koleksyon dito. Lahat ng dumadalo ay tinuturuan kung paano mapasusulong ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pagsulat sa layunin na matuto nang higit pa sa Bibliya.

Ang mga piling pagpupulong ay ginaganap sa Filipino Sign Language. Libre ang pagpasok at hindi na kailangang magparehistro.

Ang mga detalye kung kailan at saan idinaraos ang mga pulong na ito sa inyong lugar, gayundin ang mga artikulo tungkol sa pagsisikap ng mga Saksi na itaguyod ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat, ay available sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA