33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Kartel ng bigas, tinitibag na ni PBBM

UNTI-UNTI nang tinitibag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang malalaking sindikato na
komokontrol sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.


Ito ang pahayag kamakailan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile. Idinagdag
pa niya na ang malawak ang galamay nito ay may malaking pondo.


Ito ay matapos magsagawa ang Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno nang surpresang
inspeksyon sa ilang bodega ng bigas sa Bulacan, na diumano’y nagtatago ng milyon-milyong
pisong halaga ng bigas para magkaroon ng artipisyal na kakulangan sa merkado.


“Akala natin simpleng problema iyang tungkol sa bigas. Napaka-complex niyan. Hawak ng
mga sindikato, mafia ang rice supply ng bansa. Nandiyan ang hoarding, nandiyan ang
smuggling, nandiyan ang overpricing, kung ano-ano (pa).

Tsaka marami silang koneksiyon kaya unti-unti na hinaharap ng gobyerno iyan para mabuwag ang mga iyan,” ayon kay Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.

BASAHIN  Romualdez, for Prime Minister?


“Marami silang kaalyado sa Customs, marami silang kaalyado sa bureaucracy. Malaking pera
iyan eh, akalain mo more than 100. Ilan na tayo 120 million Filipinos? Everyday pakakanin mo
iyan ng kanin. grabe ang volume ng pera diyan kaya kontrolado ng kartel, kontrolado ng mafia,
kontrolado ng sindikato nandiyan na lahat,” pagbubulgar ni Enrile.


Samantala, sinabi ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na
makikipagtulugan sila sa pamahalaan para masapatan ang suplay ng bigas sa bansa sa
presyong kayang abutin ng ating mga kababayan.


Ito ang pahayag ng PRISM matapos magpalabas ang Malakanyang ng Executive Order 
No. 39 noong Biyernes, na nagtatakda ng limit o price ceiling sa presyo ng bigas sa bansa.


“Ang gusto po natin ay magkaroon ng maayos na (suplay at presyo ng) bigas sa ating
pamilihan,” ayon kay Rowena Sadicon ng PRISM.

BASAHIN  Middle East interesadong kumuha ng Filipino skilled workers

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA