33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ruffa G., pinagbabayad ng NLRC

NOONG Hulyo 2022, nag-viral sa social media ang diumano’y pagpapalayas ni Ruffa Gutierrez
sa dalawa niyang kasambahay nang hindi umano binibigyan ng suweldo.


Sa kanyang YouTube vlog, una nang ibinunyag ni Ogie Diaz noong Marso 31 ang desisyon ng
NLRC o National Labor Relations Commission na pagbayarin si Ruffa ng danyos.


Ayon kay Ogie, unang nagsampa ng reklamo ang dalawang kasambahay ni Ruffa sa National
Labor Relations Commission noong 2022.


Nagkaroon daw ng meeting para sa amicable settlement ang dalawang panig noong Setyembre
2022, pero hindi sila nagkaayos kaya naiakyat ito sa NLRC. Hindi rin umapela ang kampo ni
Ruffa, kaya, kinalaunan, nag-utos ang komisyon na bayaran nito ang dalawang kasambahay.


Sinabi ni Diaz na, ayon sa “notice of finality” ng NLRC, kailangang bayaran ni Ruffa ang
kabuuang PHP13,299.92 sa kanyang dalawang kasambahay, sa loob ng 10 araw

pagkatanggap ng utos. Ang halaga ay kumakatawan sa kanilang idemnity pay, unpaid wages,
at unpaid pro-rated 13th-month pay.


Samantala, sinabi ni Ruffa na hindi niya pinalayas ang dalawang kasambahay, kundi kusa itong
lumayas. Ibinilin niya na hintayin muna siya para makapag-usap bago umalis, pero wala na ang
dalawang kasambahay nang siya ay nakauwi mula sa taping ng Maid in Malacañang.

BASAHIN  Mayor Vico tatalima sa utos ng Palasyo, biyahe ng tricycle ihihinto na


Nilinaw niya na pinagtulungang awayin ng dalawang bagong kasambahay ang kanyang 68-
taong gulang na mayordoma na nagsisilbi sa kanya sa loob ng 18 taon. Dalawang linggo pa
lamang daw naninilbihan sa kanya ang mga ito.


Tanong ng ilang netizens, paano nakalayas ang dalawang kasambahay sa isang exclusive
village kung walang clearance mula kay Ruffa o sa kapamilya nito? Sino ang nagbigay ng
clearance? ‘Yun lalabas lang ng village ang kasambahay ay kailangang pa ng clearance at
kinukumpirma pa ito sa telepono sa kanyang amo, bago paaalisin, dagdag pa nila.


Samantala, nagalit si Annabella Rama, nanay ni Ruffa, kay Rowena Guanzon, dating Comelec
commissioner, dahil sa pagiging marites nito.


Si Guanzon ang nag-post sa social media na pinagbabayad si Ruffa ng NLRC sa dalawang
dating kasambahay.


Sa Tweet ni Guanzon noong Abril 2, 2023, “Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang
kalaban laban.”


Ayon sa ilang obserbvers, bakit daw kinampihan kaagad ni Guanzon ang dalawang
kasambahay nang hindi muna inaalam ang detalye ng kaso? Ito raw ay kadudaduda para sa
isang batikang abogado, baka raw gusto lang umepal nito at the expense of Ruffa.

BASAHIN  ₱4.4-B, naiambag ng S. Korea sa ‘Pinas


Sinabi pa ng isang netizen na kung isang taon na hindi pinasweldo ang dalawang katulong, ito
ang isyu, pero dalawang linggo lang dahil naglayas nga ang mga ito. Hindi na raw dapat
umeepal itong si Guanzon sa maliit na halagang P13K lamang.


Kung talaga raw “kakampi ng mga inaapi” si Guanzon, bakit tila tikom ang kanyang bibig sa
ngayon sa mga torture at pagkabulag na dinanas ni Elvie Vergara sa kamay ng kanyang
malulupit na amo? “ Helloooo?”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA