UMABOT na sa 1.18 milyon ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan
Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) noong Sabado.
Sa pinakabagong report ng Comelec, umabot sa 724,005 ang nag-file ng kanilang certificates of
candidacy (COC) para sa mga posisyon sa barangay at 457,399 para sa Sangguniang
Kabataan (SK).
Kahapon, Setyembre 2 ang huling araw ng filing ng CoC pero na-extend ulit ito sa ito sa Lunes,
ika-4 ng buwang ito – sa ilang piling lugar – dahil sa patuloy na bagyo at mga pagbaha.
Nakatakda ang BSKE sa Oktubre 30, na kung saan, 672,016 bakanteng posisyon sa buong
bansa ang pagbobotohan.
Dahil sa suspensyon sa trabaho at ng klase, na iniutos ng Malacañang, kailangang magkaroon
ng extension ang filing ng Coc sa National Capital Region pati na rin sa mga lugar na
naperhuwisyo ng bagyo at habagat, ayon pa sa Comelec.