33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Atty. Fortun kinasuhan 3 QCPD police sa maling paghawak ng road rage case

Nagsampa ng kasong oppression, irregularities in the performance of duties at incompetence si Atty. Raymond Fortun laban sa tatlong miyembro ng Kamuning traffic sector dahil sa maling paghawak at pagtrato sa dating pulis na nag-viral dahil sa pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista.

 Ayon sa report ng Quezon City public information office (QCPIO), nagsampa na ng kaso si Fortun ng  oppression, irregularities in the performance of duties at incompetence base sa ilalim ng Rule 21 ng 2016 Napolcom memorandum circular laban sa tatlong pulis sa People’s Law Enforcement Board (PLEB)

“Despite the clear and imbalanced status of the parties, the same police officers failed to protect the rights of the cyclist when they failed to provide a legal counsel for him so that the latter would be duly appraised of his rights,” ayon kay Fortun.

Ito ay kaugnay sa viral video ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales, na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista na naganap sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Aug. 8.

BASAHIN  3 wanted kulong sa QC

Sa ginawang nagsasampa ng kaso ni Fortun ay umani naman ng papuri mula kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagsabing isang act of heroism ang ginawa ni Fortun na kung saan ay hindi kinukunsinti ng Quezon City ang mali at palpak na gawain lalo na kapag involved ang isang  maliit na mamamayan lamang.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaari magspa ng kaso ang  local government unit (LGU) laban kay Gonzales dahil ang ginawang alarm and scandal ay maituturing na isang public crime.

Nakakabigla naman ang biglang pagbitiw sa kanyang mataas na tungkulin ni QCPD chief PBGen Nicolas Torre III na may kaugnay sa kaso ni  Gonzales at  pumalit kay Torre ay si Brig. Gen. Redrico Maranan bilang Acting Director ng Quezon City Police District (QCPD).

BASAHIN  P340-K halaga ng shabu nasabat sa Navotas

Samantala, hindi pa rin nakukumbinsi ang siklista  na magsampa ng kaso dahil giit nito na nagkasundo na sila ng suspek na tapos na ang kaso na kung saan ay marami ang nanghihinayang at marami ang nais na tumugon sa kaso ng panunutok ng baril.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA