33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

100-M Pilipino, hindi dapat magutom – Romualdez

BINALAAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez noong Biyernes ang tiwaling rice
traders, at sinabing hindi titigil ang Kongreso sa pagkilos laban sa mga smuggler at nag-
iipit ng stocks ng bigas.


Idinagdag pa niya na hindi raw dapat i-black mail ang gobyerno ng mga tiwaling
negosyante ng bigas, pati na smugglers. Ito ay dahil pwede raw i-take-over ng
gobyerno ang importasyon ng bigas para wala ng sobra-sobrang tubo at wala na ring
magugutom sa 100 milyong Pilipino.


Gagawin daw ang lahat ng Kongreso para suportahan si Pangulong Ferdinand Marcos,
Jr. para maibaba ang presyo ng bigas.


“Hindi kami titigil hanggang sa maging matagumpay ang Pangulo na maabot nito ang
mga tunguhin para sa bayan. Seryoso kami rito. At hindi kami titigil sa Luzon, pupunta
kami sa Visayas, at Mindanao,” ayon kay Romualdez sa wikang English.

BASAHIN  Pagpapaliban ng Barangay, SK elections unconstitutional -KS


Idinagdag pa ni Romualdez na kapag napag-alaman nilang ang mga negosyante ay
nag-iimport at nagtatago ng bigas para mapamahal ang presyo nito, magre-raid daw
sila. Kukumpiskahin daw ito ng Bureau of Customs at ibibigay sa DSWD, Kadiwa, para
maibenta sa mas mababang presyo.


Nilinaw ng Speaker na ang importasyon ng bansa mula sa Vietnam ay umaabot lamang
18 percent ng kabuuang importasyon ng buong bansa, kaya hindi raw dapat sabihin ng
rice traders na mataas ang presyo sa pangdaigdigang merkado.

BASAHIN  Paglilinis sa pinsala ng oil spill ng MT Princess Empress patapos na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA