33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

DA, Pasig LGU, tumanggap ng award mula sa KWF

TUMANGGAP ng award ang Department of Agriculture, Pasig City Government, at 22 iba pang
tanggapan ng gobyerno mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa paggamit ng
pambansang wika sa pakikipagtalastasan.


Ang sumusunod na 24 na ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) ay kinilala ng
komisyon at ginawaran ng “Seal of Excellence in Public Service”: Departments of Agriculture,
Environment and Natural Resources, the Interior and Local Government, DoLE-BWSC,
MTRCB, MMDA, National Council on Disability Affairs, Amang Rodriguez Medical Center,
Quirino Memorial Medical Center, Rizal Medical Center, Department of Science and Technology-
PCIEERD, Department of Education-BLD, DepEd SDO Ligao, DepEd-Region V (Bicol Region),
DepEd SDO Iriga, at Bulacan Provincial Government.


Nakatanggap din ang LGUs ng Pasay City, Pasig City, Santa Rosa City, Marilao (Bulacan), at
Pililla (Rizal), pati na Barangays Hagdang Bato (Mandaluyong City), Lower Bicutan (Taguig
City), at San Isidro (Iriga City).

BASAHIN  Smuggled sugar, P70/kilo sa Kadiwa


Sinabi ni KWF President Arthur Casanova sa wikang English na ang Seal of Excellence ay
iginagawad sa mga ahensya ng gobyerno na nagsanay at nakaabot sa standard na pamantayan
sa paggamit ng wikang Pilipino sa kanilang transaksyon, pakikipagtalastasan, dokumento,
patalastas, at iba pang aktibidades kahit na ito’y nakasulat o maging sa pagsasalita.


“All government agencies should use the Filipino language so that we can raise the level of our
national language… the national language is the symbol of being Filipinos.” ayon pa kay
Casanova, “Nge! Hindi po ba dapat wikang Pilipino ang ginamit ni Casanova? Dapat siya mismo ang nagpamalas nang halimbawa”, saad ng ilang netizens.

BASAHIN  502 traffic enforcers na MMDA deputized officers, maniniket na sa Pasig City simula ngayong araw

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA