Umaabot sa P2-M halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa patuloy na pagsugpo laban sa illegal na droga na kung saan naaresto ang isang newly identified as high value individual sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PBGen. Wilson Asueta, District Director ng EPD, nakilala ang suspek sa alyas lamang na “Reno” 25-anyos, residente ng Brgy. Pinagbuhatan.Â
Ikinasa ang drug buy-bust operation matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng police poseur buyer sa suspek saka dinamba matapos ang palitan ng epektos.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang transparent plastic pack na naglalaman ng shabu na aabot sa P101,000.00, dalawang knot tied transparent plastic pack na nasa 300 gramo na may Standard Drug Price na P2,040,00.00, isang motorcycle NMAX.Â
Binasahan ng kanyang karapatan ang suspek bago arestuhin at dinala sa DDEU habang ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa EPD Forensic Unit para sa Drug Test.Â
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig CPS Custodial Facility at nahaharapa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.