33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Marian Rivera Tiktok video, umani ng 25 million views

WOW! Iba talaga si Marian Rivera!
Ito ay dahil umabot sa mahigit 25 milyon (habang sinusulat ito) ang kayang bagong
TikTok video. Ito ‘yung Sabay-Sabay version.


Ayon kay Marian sa kanyang social media post, “Getting so many requests for this
dance challenge: ‘Tara na!’”


Sobrang charming si Marian habang nakangiting sumasayaw ng Sabay Sabay Tayo.
Ayon sa kanyang fans, iconic at nakaaaliw ang mahusay na dance moves ng aktres.
Hiniling naman ng iba na “Marimar dance” ang isusunod niya.


Ang naturang sayaw ay napanood sa TV series na Marimar (155 episodes) ay sumikat
sa GMA7 noong 2007. Pinagbidahan ito nina Marian Rivera bilang Marimar at Dingdong
Dantes bilang Sergio.

BASAHIN  Tiyakin, patuloy na suporta sa ofws sa israel - Tulfo


Ang Marimar ay remake ng Mexican TV series noong 1996 (RPN-9) na may parehong
pamagat. Sumikat sa bansa ang bida nito na si Thalía o Ariadna Thalía Sodi Miranda,
dahil sa ganda nito at maalindog na pagsasayaw. Bumisita siya sa bansa noong 1996
sa loob ng siyam na araw at binati pa ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos.

BASAHIN  Cayetano nagpahatid ng tulong sa Bulacan flood victims

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA