33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

ACT, pekeng kinatawan ng mga guro – VP Sara

PEKENG kinatawan ng mga guro sa Kongreso.


Ganito inilarawan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang party-list na
ACT o Alliance of Concerned Teachers.


Tumugon lamang si Duterte kay Rep. France Castro ng ACT party-list nang akusahan
nito si Durtete na inililigaw ang mga mamamayan para hindi mapag-usapan ang
lehitimong isyu sa edukasyon.


“I am glad that France Castro confirmed that ACT Teachers is, without a doubt, a fake
representative of learners, educators, and other members of the education sector in
Congress with her continued refusal to publicly and explicitly condemn the New People’s
Army’s violence in Masbate,” ayon kay Duterte.


Sinabi pa ni Duterte na ang ACT Teachers ay isang mapagkunwaring party-list at hindi
kumakatawan sa sektor ng edukasyon sa Kongreso, dahil ayaw niton kondemnahin ang
pamamaril ng NPA sa Masbate.

BASAHIN  VP Sara, binisita ang estudyanteng ‘namatay sa sampal’

Tila raw yata tumatayong abogado ng NPA si Castro.


Nagiging mainit ang palitan ng salita ng dalawa dahil inihayag kamakailan ni Castro na
pinag-iisipan nilang maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte dahil sa
illegal na paggamit ng confidential funds.


Nag-ugat ang word-war ng dalawa matapos punahin ni Castro ang DepEd, dahil sa
hirap itong makapag-hire ng 30,000 bagong teachers bawat taon para mapunan ang
kakulangan.


Sinabi ng ilang observers na sino raw guro ang gustong mag-apply kung patuloy na
gumagawa ng “acts of terrorism” ang NPA sa maraming lugar, kahit na sa mga
paaralan?

BASAHIN  Vice: ‘Mahalay’, ‘bastos’, ‘abusado’ - Enrile

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA