33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Teves, kinasuhan sa pagpatay kay Degamo Degamo camp, tatakbo sa nabakanteng pwesto

PORMAL na kinasuhan sa korte si dating Congressman Arnolfo Teves Jr. dahil sa
pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.


Kasamang kinasuhan ang dating Congressman ng Negros Oriental 3rd District at siyam
na iba pa.


Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Department of Justice (DoJ) na si Mico Clavano.
“‘Yung Degamo case po nai-file na din sa Manila,” Clavano said. “‘Yan po nasa korte na
rin at hinihintay na lang natin ang warrant of arrest.”


Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kamakailan, na malulutas na ng state
prosecutors ang kasong multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple
attempted murder na inihain laban kay Teves.


Paulit-ulit na itinanggi ni Teves ang akusasyon at sinabi niyang hindi siya makababalik
sa bansa para sagutin ang mga ito dahil may banta sa kanyang buhay.

BASAHIN  Baril, Hindi na gamit sa panghoholdap ng Bangko


Matatandaan na sinipa si Teves ng House noong Agosto 16, samantalang ang Anti-
Terrorism Council ay binansagan siya, kapatid na si Pryde Henry Teves, at 11 iba pa na
“terorista”. Na-freeze ang kani-kanilang assets.


Samantala, sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ng gobernador, na bukas
ang kanilang opsyon na tumakbo sa nabakanteng pwesto ni Teves.


“If ever there will be a special election, and our team will be asked to consider it, why
not?”, ayon kay Degamo sa isang TV interview ng CNN Philippines News.

“After several months of waiting, na akala din namin it is a paghihintay na walang
mararating,” Mayor Degamo said. “But lo, and behold, God is good and we have people
from congress who are competent, credible, reliable.”

BASAHIN  Mahigit 1.2-M, kaso ng autism sa bansa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA