UMUUGONG ang bali-balitang balak diumano ni Makati Mayor Abby Binay na pasukin
ang balwarte ng mga Cayetano sa Taguig City sa pagtakbo bilang mayor nito.
Ito ay bunsod na sentiyemento ng ilang residente ng 10 Embo barangays na ngayo’y
nasa hurisdiksyon na ng Taguig.
Ayon sa isang babaing residente, “Ang gusto namin si mayora (Binay) na lumaban siya,
lumaban siya sa Taguig ng pagka-mayor tingnan natin kung sino ang mananalo.”
Pero sinabi ni Binay sa isang interview sa CNN Philippines na, “Pero hindi pa po ako
nakakapagdesisyon, dahil magiging mabigat at mahirap na task ang tumakbo sa Taguig
dahil una, hindi po ako pamilyar sa lugar at marami po tayong maibibigay at magagawa
para sa lugnsod na iyon.
Idinagdag pa ni Binay na wala siyang plano para sa 2025, pero bukas pa rin sa kanya
ang lahat ng opsyon, at ayaw niyang magsalita ng tapos.
Ayon sa research ng Brabo News, pwedeng tumakbo si Binay sa Taguig kung siya ay
magiging botante rito at titira ng isang taon bago ang araw ng eleksyon.
Mayroong mahigit 449,000 registered voters sa Taguig, hindi pa kasali rito ang
naidagdag na 300,000 na mga bagong residente ng 10 nailipat na barangay sa lungsod
na dating nasa teriroryo ng Makati.
Ayon sa ilang political analyst, magiging makulay at matensyon ang eleksyon sa Taguig
sa 2025, sakaling pasukin ni Binay ang balwarte ng mga Cayetano.