Kathryn Bernardo, isang masamang ehemplo sa kabataan?

0

SINABI ni Kathryn Bernardo na hindi dapat gawing isyu ang kanyang viral video na kung
saan, nakita siyang gumagamit ng vape noong Hulyo 2023.


Nag-react si Kathryn nang nalaman ito, aniya “Una, sad ako na may kumalat na video
about it, kasi parang inano na yung privacy ko…It won’t make me less of a person.”


Ayon sa ilang netizens, bilang isang role model ng mga kabataan – gaya ni Daniel
Padilla, ang kanyang partner – hindi dapat ginagawa ni Kathryn ang mga bagay na
nakasisira ng kanyang imahe, lalo na sa kanyang kalusugan.


Ayon sa ulat Global Youth Tobacco survey, sa 82 milyong vape users, 14.1 percent ay
schoolchildren. Sa bilang na ito 2.7 milyon ang nasa Pilipinas.


Nababahala rin ang DepEd, sa dumaraming bilang ng teenagers na gumagamit ng
vape sa bansa – na mas dumarami pa kaysa sa adulto – maaring ito raw ay dahil sa
impluwensya ng ads at ilang sikat na celebrities.


Ayon sa Mayo Clinic sa U.S., magkakaroon ng permanenteng pagbabago ang “brain
chemistry” ng kabataan dahil sa patuloy na paggamit ng vape, na magre-resulta sa
permanent addiction. Tuluyan na ring masisira ng vaping ang lungs o baga at iba pang
major organs ng smoker dahil sa pangmatagalang paggamit nito, na pwedeng
magresulta sa maagang kamatayan.


Ang privacy ba ay lisensya para impluensyahan ng masama ang kabataang fans?
Dapat daw tandaan ni Kahyrn na siya ay isang role model ng kabataan, ayon sa isang
guro na ayaw magpabanggit ng pangalan.

About Author

Show comments

Exit mobile version