Umaabot sa 110 gramo o nasa P700-K halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng madaling araw sa Brgy San Antonio, Parañaque City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PBGen. Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District (SPD), nakilala ang mga suspek na sina Arnulfo Apinado 39-anyos, Johnny Zuasola, 52-anyos at Noel Cabeliza, 26-anyos.
Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU bandang 2:30 ng madaling araw sa Barangay San Antonio matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at isang pulis na umaktong buyer.
Agad na hinuli ang tatlong suspek matapos magbigay ng hudyat ang poseur buyer na puwede nang arestuhin ang mga suspek.
Nakumpiska mula sa tatlo ang 11 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may standard drug price na ₱748,000.00, ₱ l1000 buy bust money at ₱ 1000 recovered money.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165 sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Parañaque City.