KULONG na sa kasong syndicated o large-scale illegal recruitment at non-bailable offense pa ang dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza at ngayon ay nakakulong na sa Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas.
Inaresto si Jose Yumang Sonza, o Jay Sonza, 67-anyos, tubong Pampanga, ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bago ito makalabas pa ng bansa patungong Hong Kong.
Ayon kay NBI Assistant Director Glen Ricarte, may pending na kasong estafa si Sonza bukod pa sa syndicated and large scale illegal recruitment.
Sinabi pa ni Ricarte na si Sonza ay nakatakdang umalis patungong Hong Kong noong July 18 nang harangin ng Immigration officials dahil sa kinahaharap na kaso na kung saan ay listed na ang kanyang pangalan.
Matatandaang si Sonza ay naging kontrobersyal sa pagbanat noon sa ABS-CBN na dati niyang pinagtatrabahuan bilang media at nakilala pa si Sonza sa programang “Mel & Jay” ng GMA.