IGINIIT ni US Senator Rick Scott ng Florida ang kahalagahan nang pagkakaisa ng
Washington – pati na mga kaibigan at kaalyado nito – na sama-samang kumilos para mapigilan
ang pambu-bully ng China sa South China Sea.
Nakipagpulong sa Maynila kamakailan ang senador kina Defense Sec. Gilberto Teodoro,
National Security Adviser Eduardo Año, DFA Office of American Affairs Asst. Sec. Jose Victor
Chan-Gonzaga, Senate Pres. Juan Miguel Zubiri at ang American Chamber of Commerce of
the Philippines.
Pinag-usapan sa pagpupulong ang patuloly na pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas ng China
Coast Guard at patuloy na pambu-bully nito sa ating mga mangingisda at barko.
“It’s important that South Korea, Taiwan, Japan, the Philippines, Australia and the European
Union – we all recognize the risk if communist China gets its way,” ayon pa kay Scott.
Sinabi rin niya na ang paggamit ng China-made equipment gaya ng drone ay
nagsasapanganib sa seguridad ng bansa.
Pinuna rin sa pagpupulong ang panganib sa planong China-Philippines joint military
exercises.
Samantala, sinabi kamakailan ni Zubiri na dapat nang tanggalin kaagad ang Chinese telco
towers sa lahat ng military camps sa bansa dahil banta raw ito sa ating seguridad.