“FULL force!”
Ito ang sinabi ni PBGen Jose Melencio Nartatez Jr., Acting Regional Director, NCRPO, tungkol
sa kahandaan ng kapulisan para sa 2023 Balik-Eskwela.
Ayon sa kanya, simula Agosto 29, ide-deploy ang 5,085 na pulis sa Metro Manila na kung
saan matatagpuan ang 1,262 pribado at pampublikong paaralan.
Paiigtingin ang pagbabantay ng police foot patrol, mobile patrol cars, at K9 teams sa mga
paaralan, terminal ng sasakyan, mga lugar na pinupuntahan ng mga estudyante, at iba pang
matataong lugar para maiwasan ang anumang krimen.
Samantala, 1,572 mga pulis ang magbabantay sa 668 police assistance desks malapit sa
entrance ng bawat paaralan. Ito’y sa pakikipagtulungan ng DepEd para sa mga taong
ngangailangan ng tulong o assistance.
Hinihimok ni Nartatez ang publiko na kaagad i-report sa mga pulis kung may problema sila sa
seguridad para sa agarang tulong.