33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Magtanim hindi (na) biro

KAPAG tuluyan nang naisa-batas ang House Bill (HB) No. 8569, hindi na pwedeng gawing
biro sa mga nag-aapply ng building permit na “magtanim muna kayo ng puno”.


Inaprubahan ng Kongreso noong Miyerkules ang isang bill na kailangang sundin ng bawat
aplikante bago isyuhan ng building permit – ang magtanim ng puno.


Ayon sa HB 8569, kinakailangan munang mag-sumite ng Tree Planting Plan (TPP) ang
bawat aplikante ng building permit sa residential, residential, commercial, industrial, at
public building projects.


Layunin ng panukalang batas na maibsan ang epekto ng climate change at pagkasira ng
kalikasan.


Sa botong 266, inaprubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang
panukalang batas noong Lunes.

BASAHIN  Terorista: Cong. Teves, 12 iba pa


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang kautusan ng magsumite muna ng
TPP bago maisyuhan ng building permits, ay naglalayung mabawasan ang epekto ng
climate change, makatutulong sa kalidad ng (hangin at) kapaligiran, at maingatan ito para
sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.


Idinagdag pa ng Speaker na kahit sinong tao, negosyo, korporasyon, departamento,
tanggapan, bureau, ahensya o instrumentality ng gobyerno na nagnanais na mag-
construct, mag-repair, o baguhin ang isang gusali o istraktura, ay dapat na magmantine sa
lugar ng ari-arian, sapat na espasyo para sa pagtatanim ng puno at halaman. Naka-detalye
rin sa panukalang batas ang uri o species ng halaman na dapat itanim.

BASAHIN  P5.7 Trilyong budget, isinumite na sa Kongreso

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA