AYON sa Agosto 2023 ng Forbes Asia, pinakamayaman sa bansa ang magkakapatid na Sy
(US$14.4 bilyon), ikalawa ang negosyante at dating Senate Pres. Manny Villar Jr.
(US$9.7 bilyon), ikatlo si gaming at marine port services mogul Enrique Razon Jr.
($8.1 bilyon), at ikaapat si San Miguel Corporation CEO Ramon S. Ang ($3.4 bilyon).
Ito ay sinundan nina Jollibee founder Tony Tan Caktiong at pamilya, ($3.2 bilyon); pamilya
Aboitiz, ($3.15 bilyon); JG Summit owners Lance Gokongwei at mga kapatid,
(US$3.0 bilyon); DMCI owners Isidro Consunji at mga kapatid ($2.9 bilyon); pamilya Jaime Zobel de Ayala, ($2.8 bilyon), at tobacco and liquor taipan Lucio Tan ($2.6 bilyon).
Lumago ang yaman nang mahigit sa kalahati ng nasa listahan sa taong ito, sa pangunguna
ng top three. Pero napanatili pa rin ng pamilya Sy ang top spot dahil US$1.8 bilyon ang
naidagdag sa kanilang yaman, kaya umabot sa kabuuang US$14.4 bilyon.
Sinundan ito ni Villar na lumago ng US$1.9 bilyon ang naidagdag na yaman, kaya umabot
sa kabuuang US$9.7 bilyon.
Ikatlo si Razon na lumaki ng US$2.5 bilyon o may kabuuang US$8.1 bilyon. Ikaapat si Ang – ang may pinakamalaking paglago ng yaman – halos 40 percent increase o may kabuuang US$3.4 bilyon.
Ika-22 ang pamilya Gotianun, (US$850 milyon); ika-33 ang Yuchengco family (US$420
milyon); at ika-42 ang Lopez family (US$300 milyon).