IPINAHAYAG ni Civil Service Commission (CSC) Chair Karlo Nograles sa mga kwalipikado na
gustong magtrabaho sa gobyerno na pwede nang mag-browse ng vacant positions sa job
portal na www.csc.gov.ph/career.
Ayon pa kay Nograles, ang CSC job portal ay naglalaman ng importantent detalye tungkol sa
mga bakanteng trabaho sa gobyerno na available sa national, local, LGUS, at state colleges
and universities.
Pinayuhan niya ang job seekers na bago mag-apply, alamin muna nila kung sila’y qualified. Ito
ay dahil hindi lang ang pagiging civil service eligible ang requirement sa bawat posisyon.
“Taun-taon, libo-libong aplikante ang natatanggap sa pampublikong sektor dahil sa job
vacancies na naka-post sa CSC Job Portal. Ngayong taon, inaanyayahan naming muli ang
mga bagong graduate sa kolehiyo at first-time jobseekers, pati na rin ang mga nakapasa sa
nakalipas na Career Service Exams, at ang mga gustong lumipat ng trabaho na bisitahin ang
portal,” ayon pa sa CSC chair.
Idiniin ni Nograles sa bawat aplikante na huwag mag-apply kung hindi kwalipikado. Dapat din
daw isumite ng personal o online (kung hinihiling) ang aplikasyon at supporting papers sa
kinauukulang ahensya.