MAHIGIT 45,000 ang mawawalan ng trabaho sakaling ipatigil ang Motorcycle Taxi Pilot Study
(MTPS) project, gaya ng Ankas.
Ito ang apela ni Atty. Vigor Mendoza, LTO Chief sa isang pagdinig kamakailan sa Kongreso.
Bunsod ito nang pagnanais ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na ipatigil na ang
operasyon ng MTPS.
Sa isang pagdinig ng House Committee on Transportation, emosyonal na kinuwestiyon ni
Marcoleta kung bakit patuloy pa ring nag-ooperate ang motorcycle taxis kahit na ang MC Taxi
Pilot Study ay nagtapos na noon pang 2021.
Kinuwestiyon di ng mambabatas ang kinatawan ng Technical Working Group kung bakit
tatlong players lang ang tinanggap sa pilot study, samantalang pito diumano ang nag-apply.
Itinanong pa niya kung bakit bakit hindi inabisuhan ang Kongreso sa paglaki ng rider
allocation.
Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz, concurrent Chair ng DOTr-TWG, tatlo lang ang pumasa
sa proseso kaya sila lang ang binigyan ng special provision to operate.
Idinagdag pa niya na itong tatlong players lamang ang nakapasa sa ilang requirements gaya
nang pagkakaroon ng sariling training facility, insurance para sa rider at pasahero, at pagpasa
sa mga pagsusulit.
Sinabi ni Mendoza na magsa-submit sila ng kaukulang dokumento para hilingin ang extension
ng MTPS.