33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Kulong sa opisyales ng PCG, MARINA -Tulfo

NAGHAIN kahapon ng resolusyon sa Senado si Senador Raffy Tulfo para maimbestigahan
ang paglubog ng bangkang Princess Aya noong Hulyo 27.


Matatandaang kahit may bagyo, pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag
ang overloaded na bangka na nagresulta sa paglubog nito sa Laguna de Bay, Binangonan,
Rizal, at sa pagkamatay ng 27 pasahero.


Ayon sa Senate Resolution (SR) No. 705, sinabi ni Tulfo na makatutulong ang
imbestigasyon para patunayan ang kapabayaan ng PCG at Maritime Industry Authority
(MARINA) kaya nangyari ang trahedya.


Bukod sa opisyales ng PCG at MARINA, nais ng senador na makasuhan din ang kanilang
superior officer sa ngalan ng command responsibility. Aniya, ang madalas na nakakasuhan
ay ang karaniwang miyembro lamang ng PCG.

BASAHIN  Paglilinis sa pinsala ng oil spill ng MT Princess Empress patapos na


Kahit 30 na pasahero lamang ang capacity ng lumubog na Princess Aya, pinayagan pa rin
ng PCG na maglayag ng ito sakay ang 70 pasahero, pati na ang mabibigat na
kargamento.


Dagdag pa ni Idol, nagpabaya rin ang MARINA sa seaworthiness inspection ng bangka
bago ito binigyan ng “Passenger Ship Certificate (PSC)”.


Kailangan din aniyang rebyuhin ang kasalukuyang batas sa maritime safety para
maamyendahan ito. Ang pinakamahalaga, ayon kay Tulfo, magamit ang imbestigasyon
para makasuhan at makulong ang pabayang opisyal ng PCG at MARINA.

BASAHIN  E-boat ibinida ng DOST

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA