33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Kakaibang ‘World Cup’ sa NZ

NAKAPUKAW ng interes ng sambayanang Pilipino ang panalo ng Philippine team sa 2023 FIFA
World Cup sa Wellington, New Zealand (NZ), kamakailan.


Simula Agosto 25-27, 2023, muling mapupukaw ang interes ng marami sa 5.23 milyong New
Zealanders at 80,000 mga Filipino sa “Exercise Patience” Regional Convention ng mga Saksi ni
Jehovah (JW). Ito ay libre at gaganapin sa Te Rauparaha Arena, 17 Parumoana St., Porirua,
Wellington, NZ.


Sa Pilipinas (Tagalog), ang JW Regional Convention ay naka-iskedyul sa Agosto 11-13 sa Assembly


Hall of Jehovah’s Witnesses, 1140 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.
Sa Hiligaynon, sa Agosto 4-6, Iloilo Convention Center, Megaworld Blvd., Mandurriao, Iloilo City.

BASAHIN  Namayapa na Erap, Marcos Sr. impersonator


Sa Iloko o Ilocano, ito’y sa Agosto 11-13, sa Benguet Multi-purpose Sports Complex, Brgy. Wangal, Governor’s Office Capitol, La Trinidad, Benguet.


Bukod sa Bible-based na pahayag, makanonood ng mahigit 70 inspiring videos, kasali rito ang two- part video drama tungkol sa pagtitiis ng pamilya ni Amani para mailigtas ang kanilang buhay sa harap ng maraming panganib.


Sa buong mundo, milyun-milyong mga Saksi ni Jehova at mga taong interesado ang dumadalo sa
taunang regional convention ng JW, sa mahigit 330 bansa at lupain.


Para malaman ang iskedyul sa partikular na lungsod sa buong mundo, puntahan ang www.jw.org.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA