33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Ex-VP De Castro tinawag na “Epal”, “Tolongges”

TINAWAG na “epal” ni E.A.T. cohost Joey de Leon si ex-vice present Noli de Castro ayon sa isang
post kahapon ng vlogger na si Batang Maynila To its.


“Tolongges” naman ang itinawag ng vlogger kay De Castro, dahil umano sa side comments ng huli
sa programa nitong TV Patrol ng ABS-CBN.


Ang mga komento ay nag-ugat sa pagpapakasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde noong
nakaraang Hulyo 28 sa Baguio City sa kasagsagan ng bagyong Egay.


“’Yung salita natin kay Noli de Castro na “epal”, iyan ang ginamit ni master henyo Joey de Leon sa
kanyang patama dito kay Noli de Castro,” ayon pa sa vlogger.

BASAHIN  Vic Sotto, magiging tatay ulit


Ayon kay Joey, “At saka dun sa mga umeepal, mga umeepal na ano, na hindi daw dapat
nagpakasal (sina Maine at Arjo) dahil bumabagyo daw. Okey dalawang bagay lang mga kaibigan,
naunang nagplano si Menggay (Maine) kaysa kay (bagyong) Egay.”

“Pangalawa, kung may kasalanan man ung dalawa, yung unang limang letra lang ng kasalanan –
kasal,” dugtong pa ng Joey.

Kahit na hindi binanggit ni Joey si De Castro, nilinaw sa vlog na ito ang pinatatamaan ng noontime
host.


Ayon sa isang fan ni Maine, bilang brodkaster, dapat alam ni De Castro na hindi tumanggap ng
regalo ang dalawa sa kanilang kasal, sa halip, ang perang ibinigay ay gagamitin nila sa pagtulong sa mga katutubo ng Central Luzon.

BASAHIN  Kylie Padilla, naglabas ng niloloob

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA