NAGHINAM-HINAM (Excited) na ang mga taga-Cebu, Davao, Negros, at iba pang kababayan nating nagsasalita ng Cebuano sa Metro Manila.
Bakittt?
Ito kasi, malamang, ang kaunaunahang pagkakataon na makapanood sila ng broadcast-quality
video drama at halos 70 maiikling video sa wikang Cebuano.
Ito ay magaganap sa “Maging Matiisin” Convention ng mga Saksi ni Jehovah mula Agosto 25-27,
2023 sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 1140 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City, na kung saan, imbitado ang publiko at ito’y libre.
Sa Agosto 25 (Biyernes), mapapanood kung paano maging matiisin para maabot natin ang ating
tunguhin.
Sa 26 (Sabado), paano tayo makapagpapakita ng pagtitiis para mapahusay natin ang ating relasyon sa kapamilya ang mga kaibigan? Ipalalabas din ang unang bahagi ng Bible-based drama sa hapon.
At sa 27 (Linggo), Sa drama (na ipalalabas sa hapon}, paano ipinamalas ni Amani at ng kanyang
pamilya ang pagiging matiisin sa harap ng maraming pagsubok na nagsapanganib sa kanilang
buhay?
Sa Linggo, ipaliliwanag ng speakers at videos ang temang, “Kung mananalangin tayo sa Diyos para sa tulong, ano ang maasahan natin?”
Ang programa sa tatlong-araw na kumbensyo ay magsisimula sa 9:20 a.m. at magtatapos sa 4:55 p.m. , Biyernes; 4:30 p.m., Sabado; at 3:40 p.m., Linggo.
Sa mga nagsasalita ng Iloko o Ilocano, ang kumbensyon ay naka-iskedyul sa Agosto 11-13, sa
Paco Arena Events and Sports Center, Lot 1 Block 854, Apacible Cor Leroy St., Brgy 679, Zone 74
Manila.
Para sa iba pang iskedyul sa Pilipinas, maging sa lahat ng pangunahing wika sa buong mundo,
bisitahin ang www.jw.org.