Medical school para sa bawat paaralan ng LGU

Share

NAPAPANAHON na para ang mga kolehiyo at unibersidad na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan
o LGU ay magtayo ng sarili nilang medical school para mabawasan ang kakulangan ng doktor sa
bansa.


Ito ang panukala ni Senador Francis Tolentino sa isang radio interview sa DZXL-RMN Manila.


“Kapag may ospital at may paaralan ang pamahalaang lokal, dapat magkaroon na rin ng medical
school. Kasi hindi po sapat na magkaroon lamang po tayo ng gusali at imprastraktura kung wala
namang doktor,” paglilinaw ni Tolentino.


“Yung Batangas State University, nakatutuwa po…nasa second year na ‘yung mga nag-aaral (ng
medisina). Pa trenta-trenta lang muna na estudyante pero malaking bagay po iyon kapag (sila ay)
nakapagtapos,” aniya pa.

BASAHIN  ₱100 Arawang dagdag-sahod, tinanggihan


Si Tolentino ay dating chair ng Senate Committee on Local Government noong 18th Congress.
Binanggit niya bilang halimbawa ang Batangas State University (BSU) na mayroon ng sariling
medical school program.


Noong Huwebes, nanguna si Tolentino sa groundbreaking ceremony ng isang bagong ospital na
itatayo sa ngayo’y Vicente Mendiola Center for Health Infirmary sa Naga, Cebu.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Wasteworkers, protektahan ang karapatan

HINILING ni Deputy House Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar nitong Lunes, na ipasa na ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa...