MAG-INGAT sa dumaraming bilang ng investment scammers!
Ito ang babala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa pagkagat sa
malalaking patubo na iniaalok ng pyramiding at investment scammers.
Ayon pa sa SEC, isang Homer Lim ng Gen-Z Agriventures ang nangungumbinsi na mag-invest sa
commercial poultry at contract growing, na may buwanang tubo na 5-11 percent o 60-132 percent bawat taon.
Sa Facebook at YouTube naman nang-eenganyo ang XOP Diamond Management OPC/Blue
Diamond Corporation na mag-invest ng P1,000 hanggang P5 milyon sa importasyon ng langis.
Sa ilang public advisories, binabalaan ng SEC ang publiko na huwag mamuhunan sa: Gen-Z
Agriventures Inc., XOP Diamond Management OPC, Golden Edge Marketing and Consumerism,
Kozy.Ph Management OPC, Lushapple.Ph, at Way Home Store/Way Home Store Philippines Inc.
Idiniin ng SEC, na walang permit na mag-solicit ng anumang uri ng investments ang mga
nabanggit na kumpanya dahil hindi sila lisensyado para gawin ito.
Samantala, noong Mayo 2023, sinentensyahan ng Tagum City Regional Trial Court ng life
imprisonment o 40 years, ang dalawang opisyal ng Rigen Wellness Product Marketing ng Davao
City, dahil sa syndicated estafa.
Pinagbabayad din sila ng P2.01 milyon na danyos at P120,000 moral damages sa mga biktima.