33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Dating mambabatas, may tililing?

INITUSAN ng Sandiganbayan Seventh Division sina dating Pampanga Rep. Zenaida Ducut at ang
kanyang abogado na ipaliwanag kung bakit photocopy lamang ng medical records ni Ducut ang
isinumite sa korte.


Dati nang hiniling ng korte ang medical records para suportahan ang alegasyon ng kampo ni Ducut na hindi nito kayang dumaan sa stress na dulot ng mga pagdinig sa korte, dahil may problema ito sa isip.

Tinutulan ng mga prosekyutor ang medical record na isinubmit ng kampo ni Ducut dahil ang report ng National Center for Mental Health (NCMH) ay may petsang Pebrero 22, 2023.

Ipinakikita raw nito na ang nasasakdal ay hindi dumaan sa tama at kumpletong pagsusuri kung talagang pwede itong humarap sa korte.

BASAHIN  TVJ, fan daw ng GMA7?


Hindi rin daw suportado ng laboratory, psychological, mental, at iba pang tests para suportahan
ang kanilang alegasyon.


Si Ducut ay kapwa-akusado sa P3 milyong graft at malversation case na isinampa ng Office of the
Ombudsman noong 2016 laban sa noo’y Muntinlupa City Rep. Rozzano Rufino Biazon .

BASAHIN  43% ng public schools, walang guro; Dapat dekalidad na edukasyon, training sa guro – Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA