NAMAYAPA na ang komedyante at impersonator na si Willie Nepomuceno sa edad na 75.
Sumikat siya dahil sa panggagaya sa mga dating lider ng bansa gaya nina dating Pangulong Joseph Estrada, Ferdinand Marcos Sr., Noynoy Aquino, at Fidel Ramos.
Nagpasaya rin sa kaniyang fans si Willie nang gayahin niya ang ilang religious at political figures
tulad nina Jaime Cardinal Sin at dating Manila Mayor Alfredo Lim, gayundin ang mga sikat na
artistang sina Fernando Poe, Jr. at Dolphy.
Noong 2016, na-stroke si Nepomuceno, at naka-recover matapos ang patuloy na therapy.
Gumanap si Willie sa mga pelikulang Diwang kayumanggi: Prinsesang mandirigma (1975), Mayor
Cesar Climaco (1994) at Chavit (2003).
Bilang singer, nai-record niya ang mga album na, Ako Ay Ikaw Rin Willie’s Way (1984), Snap
Revolution: The Untold Story of People Power (1987), Menemis Willie Nep (1991), Willie Nep for
President (Vote One, Take All) Love Album (2005). Nai-record din niya ang singles na Opisina/
Blueseal (1991), at Grabeng Traffic (1992).
Nakikiramay ang Brabo News sa mga naulila ni Willie, siguro, daang taon pa ang bibilangin bago
lumitaw ang isang artist na katulad niya.