33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Anak nina Bong, Lani, doktor na

SOBRANG saya ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado sa kanilang Facebook
live video kahapon.


Ito ay dahil pormal nang nagtapos ang kanilang anak si Loudette sa kursong medisina sa University of the East-Ramon Magsaysay (UERM).


Ayon kay Lani, bubunuin pa ni Loudette ang isang taon hanggang sa makapasa siya ng board
examinations.


Sinabi ni Sen. Bong na hanga raw siya sa kasipagan at dedikasyon ng kanyang anak kaya
nakapagtapos ito ng medisina.


Dagdag pa niya na katatapos lang pumasa sa Bar Examinations ng panganay nilang anak na si Inah at isa na siyang ganap na abogado.


“Napakasuwerte ko na meron akong mga anak na matatalino, at siyempre nagmana sa nanay,
hindi sa akin e,” natatawang pahayag ni Sen. Bong.

BASAHIN  Abu Sayyaf member sa ‘kidnap-pugot ulo’ ng mga Saksi ni Jehova noong 2002, nadakip ng NCRPO agents


Ayon sa research ng Brabo News, totoo ang sinabi ng senador dahil ang talino ng mga anak ay
nakukuha sa kanilang ina.

Sinabi ni Loudette na natupad na rin ang pangarap ng kanyang lolo, si dating Senador Ramon
Revilla Sr., na magkaroon ng isang doktor sa pamilya.

BASAHIN  China, sasampahan ng reklamo sa UN - Zubiri

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA