33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Karla, dapat bagsak din sa college?

Mabuti na lang, si Karla ay hindi nag-aral sa University of Manila (UM), kung sakali, baka siya ang
naging ika-141 estudyante na binigyan ng grade na 70 ng isang bobo at diumano’y mahilig
gumanting propesor. (https://brabonewsph.com/2023/07/23/trabaho-trabaho-trabaho-sa-laguna-it-hub/)


Bilang isang dating university instructor, alam po namin na bawal ito, na what it appears to be
pagganti ng propesor sa mga estudyante. Akala yata ng propesor, makalulusot siya by resigning.


Propesor kaya siya o Torpesor? Kapag naghain ng civil at criminal cases ang 140 estudyante at
manalo, pwedeng maggawad ang judge ng P100,000 danyos sa bawat isa x 140 = P14,000,000 ang pwedeng bayaran nitong abusadong propesor. At kahit mamatay pa ang propesor, huwag naman sana, tuloy pa rin ang civil case laban sa kanyang estate.

BASAHIN  140 UM Engineering students, ibinagsak ng 1 propesor; Hindi sila ga-gradweyt ngayong buwan


Mahal ang abogado? Hindi po, libre sa PAO o may lawyers na hindi naniningil, kapalit ng parte sa
danyos, ito’y kung alam niyang tiyak na mananalo ang kaso sa korte.


Kailangan pa raw ang opisyal reklamo para mag-mediate ang CHEd, ayon kay Chair Prospero de
Vera III. Teka, teka, hindi ba mandato ng CHEd na imbestigahan ang iregularidad sa college
campus kahit walang nagrereklamo?


Papalitan kaya agad ni BBM si Prospero? Huwag po! huwag po! Everyone deserves a second
chance.

Samantala, ang parents ng 140 students, nganga pa rin hanggang sa ngayon dahil sa
what appears to be – incompetence ng CHEd at ng UM na dapat, patiunang niresolba ang
problema.

BASAHIN  1 Milyong puno sa bagong Villar city

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA