33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Sexy dancers, ipinagbawal na sa meetings, parties ng NBI

MAGIGING sobrang boring kaya ang meetings at social gatherings ng National Bureau of
Investsigation (NBI) dahil ipinagbabawal na ang sexy dancers? Ano kaya ang susunod na
ipagbabawal – ang matulog sa meeting?


Ito ay bunsod ng utos ni NBI Director Medardo De Lemos nang pagbabawal ng sexy dancers sa
meeting ng NBI. Ito raw ay kapit sa lahat ng empleyado, maging permanent, casual o job order
employees.

Nag-ugat ang memorandum order dahil sa “scandalous” activities na nag-viral sa
social media noong Hunyo 30 na kung saan may sexy dancers na sumasayaw para aliwin ang mga
opisyal at kawani ng NBI matapos ang official meeting.


Inulan ng maraming batikos ang NBI dahil sa viral video. Dapat sana’y magre-retiro na si De
Lemos nitong Hunyo pero pinalawig pa ng Malacañang ang kanyang serbisyo.

BASAHIN  Top 6 Most wanted person ng Catbalogan city huli sa Pasig


Ayon sa guidelines ng memorandum ni De lemos, “Distasteful, inappropriate, scandalous and
socially unacceptable performances for purposes of entertainment shall not be allowed during or
in the occasion of official activities by the Bureau such as – but not limited to – the celebration or
holdings of the Anniversary, Christmas Party, Trainings and Seminars, Command conferences,
strategic planning, team building, assessment and similar activities.”


Walang parusa sa mga lalabag sa memorandum. Inatasan lamang ang organizers na wala nang
sasayaw ng sexy dance.


Binanggit pa sa kautusan na dapat ang uri ng entertainment sa okasyon o opisyal na aktibidad ay
wholesome, gender sensitive, at family-oriented.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system


Ayon sa isang netizen, dapat daw mag-misa na lang ang isang pari tuwing may ganitong okasyon
para wholesome talaga.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA