33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Romualdez, nagpahatid ng pakikiramay sa S. Korean envoy

NAGPAHATID nang pakikiramay at simpatiya si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong
Miyerkules sa mamamayan ng South Korea, sa pamamagitan ni Ambassador Lee Sang-hwa.


Binanggit ni Romualdez na ang South Korea ang isa sa kauna-unahang mga bansa na nagpadala ng tulong at rescuers sa Pilipinas nang hagupitin tayo ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.


Sinabi niya na napilitan ang South Koreans na lumikas dahil sa flash floods, at marami ring mga
Pilipino ang lumikas dahil sa patuloy na banta nang pagsabog ng Mayon Volocano.


Ayon sa ulat, 40 tao ang namatay sa South Korea, 34 ang nasaktan, at mahigit 10,000 mamamayan ang lumikas magmula noong Hulyo 9, nang nagsimulang bumuhos ang malalakas na ulan na labis na nakapinsala sa gitna at timog na bahagi ng bansa.

BASAHIN  Paggawa ng perang papel na hindi mapepeke, ibinida online


Ayon pa sa ulat, daan-daang rescue workers, kasama ang 30 divers, ang patuloy na naghahanap ng survivors sa isang maputik na tunnel sa Cheongju, na kung saan, 15 sasakyan pati na isang bus ang na-trap.


Sa pagpupulong nina Romualdez at Lee sa Manila Golf and Country Club sa Makati, pinag-usapan
ng dalawa ang mga paraan para mapatibay ang pakikipagkaibigan ng dalawang bansa pati na ang
iba’t ibang paraan ng koperasyon at kalakalan.


Sa update ng Brabo News, siyam na bangkay na ang nakuha ng rescuers sa flooded tunnel.

BASAHIN  Mahigit 1.5-M iskolar ng bayan, hindi na iskolar?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA