LIHIM nga ba ang pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pangulo ng China na si
Xi Jinping? Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi raw lihim ang pulong ng dating Pangulong Duterte kay Xi sa Beijing, China.
Umaasa si Pangulong Marcos na sasabihin sa kanya ni dating Pangulong Digong kung ano ang
pinag-usapan nila ni Xi at kung paano ito makaaapekto sa Pilipinas.
“I am sure he will be able to tell us what happened (sa biyahe ni Duterte sa Beijing) during their
conversation and see how that affects us,” sabi ni Marcos sa isang media interview noong Martes.
Nilinaw pa ng Pangulo na hindi na kailangang humingi ng permiso sa kanya si Duterte dahil
magkaibigan naman sila ni Xi. Malaking bagay aniya kung napag-usapan ng dalawa ang mga isyung kinakaharap ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Kapayapaan at kaayusan ang hinahangad ng Administrasyong Marcos hinggil sa usapin sa WPS,
aniya pa.