33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Lupain ng AFP, balak ipa-renta ng Senado

PINAG-AARALAN ng mga senador ang posibilidad na paupahan ang malalaking lupain ng Armed
Forces of the Philippines (AFP) para makalikom ng malaking halaga ang gobyerno, bilang
pambayad sa pensyon ng mga sundalo at pulis.


Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, masusi itong pinag-aaralan ng mga senador. Ang
malilikom na pera sa proyekto ay bukod o hiwalay sa mandatory five percent na kakaltasin sa
suweldo ng men in uniform.


Ayon kay Senador Jinggoy Estrada puwedeng pumasok sa isang lease contract o joint venture
agreement ang AFP sa mga korporasyon.


Ipinaliwanag ni Zubiri na nadoble na ang sahod ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng
administrasyong Duterte, kaya hindi kalabisan na mag-ambag sila ngayon para mapondohan ang
kanilang pensyon.

BASAHIN  Libreng college entrance exam para sa poor - Jinggoy


“I think it’s just a matter kung gaano kaliit ang kaltas, kung gaano kalaki and of course kung
puwede nating i-utilize ang kanilang assets para madagdagan po ang pondo nito – parang kanilang version ng SSS,” paglilinaw ni Zubiri.

BASAHIN  Multa, sa halip na kulong sa libelo – Jinggoy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA