ILANG militanteng mambabates ang humihiling ngayon na imbestigahan ang kaduda-dudang
paggastos ng P3 milyon sa bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR), at sinabing ito ay isang pagsasayang ng pondo ng bayan.
Sa House Resolution No. 1120, ng Makabayan bloc sinabi nito na kailangang ang isang pagdinig
para malaman kung may iregularidad sa pagpagawa ng bagong PAGCOR’s logo o kung ito nga ay
isang plagiarized version ng Tripper Website, para tiyakin na may transparency at accountability
sa bawat pagbili ng gobyerno.
Ayon kay Rep. France Castro (PL, ACT), hindi raw tayo dapat magbulag-bulagan sa posibleng
anomalya sa proseso nang pagbili ng gobyerno. Ganito rin ang sentimyento ng dalawa pang
miyembro ng Makabayan bloc na sina party-list Reps. Raoul Manuel of Kabataan at Arlene Brosas
ng Gabriela.
Hindi nag-isyu ng official statement tungkol dito si PAGCOR Chief Alejandro Tengco.