Talent ng PLDT commercial, gaganap na Sen. Villar

0

“SUPORTAHAN taka!”
Unang tumatak ang pariralang ito sa madlang pipol sa 2001 TV Commercial (TVC) ng PLDT, na kung saan gumanap si Christian Vasquez na Vic, anak ng isang Ilonggong doktor.


Sa eksena, kausap ni Vic sa telepono ang kanyang amang doktor na nasa Iloilo, nagpapaalam siya at sinasabing nais niyang mag-shift sa fine arts mula sa kursong medicine. Kahit nabigla ang ama niya, saglit itong nag-isip at sinabing, “Kung saan ka masaya te, suportahan taka.”


Matagal na nag-iwan ng positibong impresyon sa maraming Pilipino ang kahalagahan ng agarang
komunikasyon, gamit ang PLDT phone.


Sa ngayon, ang aktor-modelo ay gaganap na Senador Manuel B. Villar Jr. sa bagong pelikulang Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story.


“Actually, this is the second time I played Senator Manny Villar,” ayon kay Christian.


“Yung una sa TV, sa Magpakailanman, life story ni misis – ni Cynthia Villar,” dagdag pa niya.


Tinukoy ni Christian ang February 2019 episode ng Magpakailanman na Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga, na kung saan si Glydel Mercado ang gumanap na Mrs. Cynthia Villar.


Masaya raw si Christian na muli siyang gaganap bilang Senator Manny sa isang pelikula.


Ang istorya ay tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte, dating campaign
manager ni Villar. Ito’y pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan, at sa direksyon ni Francis “Jun” Posadas.


Kahit wala sa isip niya ang pulitika, sakaling magbalak kumandidato si Christian, ito marahil ang
sasabihin ng kaniyang fans: “Suportahan taka!”

About Author

Show comments

Exit mobile version