KAHIT hindi nasa top three, isang karangalan pa rin para sa ating mga Pilipino na maisama ang tatlo sa ating paboritong pagkain sa mga nangunguna sa mundo, sa isang listahang ginawa ng online travel guide na TasteAtlas.
Nasa ika-25 pwesto ang taho, na gawa sa pinatuyong soybeans na may matamis na arnibal, at maliliit na tapioca pearls.
Nasa ika-37 naman ang maruya o banana fritters. Ito ay gawa sa saging na saba, iprinito na may
kasamang pulang asukal. Kasama rin ang maruya sa top 50 deep-fried desserts sa buong mundo
nitong Pebrero.
Nasa ika-44 na pwesto ang rice cake na espasol, na karaniwan sa Laguna.
Gawa ang espasol sa glutinous rice flour at kinayod na niyog at niluto kasama ang gata ng niyog sa mahinang apoy.
Samantala ang pastel de nata o egg tart topped ng Portugal ang nanguna sa listahan. Ang tart ay
binudburan ng cinnamon powder sa ibabaw at masarap kainin kasama ng kape.