NIA, binatikos ng Senado dahil sa kapalpakan

0

MARIING pinuna ni Senador Risa Hontiveros kamakailan ang National Irrigation Administration (NIA) dahil sa palpak ng trabaho nito, sa harap nang lumalalang epekto ng El Niño.


Sinabi ni Hontiveros na ang pagbasak nang suplay ng tubig para sa irigasyon ay labis na nakaapekto sa sektor ng agrikultura lalo na ngayong tagtuyot.


“Eto na nga’t unang magdamag na tuluy-tuloy ang pag-ulan, kulang pa rin ‘yung ganyang
paghahanda para maimbak ang tubig ulan na ‘yan, o para linisin ang mga kanal na para sa halip na pagbara at pagbaha ay ‘yung pagdaloy ng tubig kung saan ito kailangan at palawakin ang naaabot ng kasalukuyang irigasyon at ‘yun na nga yung impounding systems, ” ayon sa mambabatas nitong Huwebes.


Ayon pa kay Hontiveros, kulang sa aksyon ang NIA para (noon pa man) napaghandaan ang magiging epekto ng El Niño at nakipagtulungan sila sa iba pang ahensya ng gobyerno pati na lokal na pamahalaan para ma-mitigate ang epekto ng tagtuyot.


Ayon pa sa senador, lagi naman daw dumadating ang El Niño tuwing ika-lima o ika-pitong taon kaya hindi ito dapat ikatwiran ng NIA.

About Author

Show comments

Exit mobile version