KINONTRA nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang ang hindi kapani-paniwalang alegasyon ng
kampo ni ex-congressman Romeo Jalosjos na nalulugi umano ang TAPE.
Ang TAPE o Television and Production Exponents, Inc. ang producer ng longest-running noontime
show sa bansa.
Sa kanilang reklamo, tinawag ng TVJ na “erroneous and baseless” ang sinabi umano ni Jalosjos na
malaki ang nalugi sa TAPE.
Sa pagsasampa ng P17.482 milyong danyos sa TAPE, ginawang basehan ng TVJ ang malaking kinita ng TAPE dahil sa pag-ere ng mga replay ng EB sa loob ng tatlong araw matapos na mag-resign ang trio at ang Dabarkads noong Mayo 31, 2023. Hindi pa kasama sa danyos ang P3.5 milyon para sa attorney’s fees.
Idiniin ni Jalosjos na ang tanging paraan daw para hindi magpatuloy ang pagkalugi ng EB ay baguhin o “reinvent” ang noontime show, gumawa ng bagong segments, palitan ang hosts at i-overhaul ang operasyon mg TAPE.
Ayon pa kina TVJ, ito ang ilan sa dahilan kaya nagkagulo sa noontime show na nag-resulta sa kanilang resignation na sinundan ng Dabarkads at production staff.