SIMULA ngayon, Hulyo 12, magkakaroon araw-araw na water service interruption ang Maynilad,
mula alas-siyete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga, o sa loob ng 11 oras, ayon sa kanilang opisyal na pahayag.
Apektado nang pagpapatupad ng bawas-tubig ang mga kustomer nito sa Maynila, Malabon,
Caloocan, Valenzuela, Navotas, at Lungsod Quezon.
Sinabi ng pa ng Maynilad na ang water service interruption ay dahil sa binawasang alokasyon ng
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na umabot sa 48 cubic meters kada
segundo dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam.
Ang pagbaba ng alokasyon ay ginawa para maibsan ang pagbagsak ng level ng tubig dahil sa
lumalalang epekto ng El Niño. Sa ngayon, mas mababa na sa 179 meters ang level ng tubig.
Umaabot sa 90 percent ng tubig sa Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam.