NAGSIMULA nang umusad sa Senado ang muling pagdinig sa Freedom of Information (FOI) bill
kasabay ng iba pang panukalang batas na inihain sa komite ni Senador Robin Padilla.
Ipinahayag ni Padilla na sinimulan na ng Senate committee on public information and mass media
ang pagdinig sa FOI bill na ilang dekada nang nakabimbin sa Kongreso.
Noong 16 th Congress, naipasa ang FOI bill sa ikatlong pagbasa sa Senado subalit hindi naaprubahan ng Kongreso.
“Karapatan `yan ng taumbayan (ang freedom of information), dahil sila nagpapasuweldo sa atin…
Higit sa tatlong dekada na rin po itong nakabimbin sa Kongreso,” pagtatapos ni Padilla.