BUO ang suporta ni Senator Pia Cayetano, isang aktibong siklista, sa paglalagay ng maraming bike lanes sa Metro Manila at sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ito ang pahayag ni Cayetano sa kanyang pagbisita sa San Fernando City, Pampanga noong Biyernes, Hulyo 7.
Masayang sinabi ni Cayetano na 100 percent ang kanyang suporta sa ginagawang 37.5 km. bike lane sa lungsod, na proyekto ng lungsod katuwang ang Department of Transportation (DoT) at
Department of Public Works and Highways (DPWH).
Natutuwa daw ang mambabatas dahil ang mga lungsod sa Central Luzon gaya ng San Fernando at
Angeles ay mayroon ng bike lanes.
Aniya pa, susunod niyang bibisitahin ang Tarlac, na kung saan, aktibong inino-promote ang
pagbibisikleta.
Si Cayetano ang pangunahing nagsusulong ng Senate Bill No. 1290 o ang Walkable and Bikeable
Communities Act na inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa noong 2022.