PAF, tagapangalaga ng ating teritoryo sa harap ng banta
KINILALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes ang
mahalagang papel ng Philippine Air Force sa pangangalaga sa ating teritoryo at
pagtugon sa mga hamong geopolitical.
Sinabi niya ito sa ika-76 na taon nang pagkakatatag ng Philippine Air Force. Bago
pa rito, nasaksihan ng Pangulo ang pagpapamalas ng pwersang panghimpapawid
ng bansa, na ginanap sa Colonel Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac.
Sa kanyang talumpati sa Mabalacat, Pampanga, idiniin niya na dapat panatilihin ng
bawat kawani at sundalo ng air force ang katapatan, kahusayan, at pagmamahal sa
bayan, bilang taga-bantay ng ating himpapawid, patuloy na pagsuporta sa ating
interes, protektor ng ating mamamayan, at tagapagtanggol ng ating teritoryo (laban
sa mga nais sumakop nito).”
Pinasalamatan din ng Pangulo ang air force personnel sa kanilang hindi-
matatawarang sakripisyo sa pagtulong sa mga biktima tuwing dumaranas tayo ng
kalamidad.
“Patuloy ninyong gawin ang pinakamabuti at pinakamahusay sa lahat ng
pagkakataon para panatilihin ang seguridad at soberanya ng ating bansa,” dagdag
ng Pangulo.