33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Mas maraming benepisyo para sa barangay health workers – Villafuerte

Hiniling ni Camarines Sur Rep. Raymund Luis Villafuerte sa Senado na magpasa ng batas para
mabigyan ang barangay health workers (BHWs) nang mas malaking sweldo at benepisyo.


Sinabi ni Villafuerte na ang naipasang panukalang-batas sa Kongreso ay naglalayung mabigyan
ng seguridad sa trabaho ang BHWs, para maiwasan ang pamumulitika bago sila mabigyan ng
trabaho.


Kapag ang panukala ay naisa-batas na, ang mga kwalipikadong BHWs ay makatatanggap ng mas
malaking benepisyo kasama na ang P3,000 buwanang allowance, hazard pay, insurance, at
libreng medical at legal na serbisyo.


Ang panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers – na naipadala na sa Senado – ay
magbibigay ng first grade Civil Service Eligibility sa lahat ng accredited na BHW na patuloy na
nakapaglingkod sa loob ng limang taon.

BASAHIN  Trangkaso, tumaas sa 45%


Aatasan din nito ang Kagawaran ng Kalusugan na lumikha ng isang national registry ng lahat ng
BHWs na kwalipikado sa bagong sistema ng benepisyo.

BASAHIN  E-bikes dapat rehistrado; drivers, dapat may lisensya — LTO

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA