KATAWATAWA siguro si Daniel Craig aka James Bond (JB) kung ang gamit niya sa Skyfall at iba pang 007 movies ay ang bansot na 25-caliber M418 Beretta pistol. Pang-beki lang daw ito ayon sa ilang pulis.
Ito ang baril na ginamit sa unang 007 movie.
Pinalitan ito ng Walther PPK na ginamit nina Sean Connery hanggang kay Daniel Craig sa karamihan sa kanilang 007 movies.
Ginamit ni Adolf Hitler ang 7.65 mm Walther PPK pistol sa pagpapakamatay noong Abril 30 1945.
Ang Walther PPK rin ang ginamit sa pagpatay kay South Korean leader Park Chung-hee noong 1979.
Dahil ipinagbabawal ang importation nito dahil sa ilang technicalities, noong 1983, nagsimulang i-
manufacture ang PPK sa Amerika. Ang kaunting pagbabago sa disenyo nito ay ginawa ng Smith & Wesson.
Nagkaroon si Elvis Presly ng PPK na silver-coated na PPK at may nakaukit sa hawakan nito na TCB o “Taking Care of Business.” Naibenta ito sa halagang US$62,500 sa isang subasta.
Madalas na may dalang baril si Presly kahit na nasa stage. Kapag napapanood niya ang kanyang arch-rival na si Robert Goulet sa TV, binabaril ni Elvis ang screen. Asintado kaya siya? Sayang ang bala, I mean, ang TV.