Pilipinas, nangunguna sa Asia-Pacific sa internet

0

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga Pilipino ang may pinakamahabang oras sa paggamit ng internet sa buong rehiyon ng Asia-Pacific sa unang bahagi ng taong ito.


Inilahad ng Statista report na gumagamit nang humigit-kumulang 10 oras bawat araw sa internet ang mga Pinoy.

Isa sa mga dahilan sa pagtaas ng oras ay ang pagbaba ng presyo ng prepaid internet. Idagdag pa rito ang humuhusay na internet connection na aabot na sa halos 78 percent coverage ng buong populasyon ng bansa sa 2028.


Samantala, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), sa huling anim na magkakasunod na surveys, nangunguna ang bansa sa buong mundo sa paggamit ng internet.

Ang average sa mundo ay anim na oras lang samantalang mahigit 10 oras kada araw ang paggamit sa Pilipinas.


Ipinakikita ng pag-aaral na patuloy na nakakaagapay ang bansa sa global digitalization. Pero nagbabala si DICT Undersecretary Jocelle Batapa-Sigue na dahil dito, mas maraming bagong hamon ang haharapin ng bansa.

About Author

Show comments

Exit mobile version