Bulkang Taal, lalong lumalakas ang usok

0

INIULAT ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Linggo ang patuloy na paglabas ng usok na may kasamang volcanic fluid ang Taal Volcano magmula 10:30 p.m., Hunyo 3.


Ayon sa ulat sa Phivolcs ng mga residente ng Balete, Laurel, at Agoncillo, Batangas, nagkaroon ng malawak na “smog” (vog) sa Taal Caldera o main volcanic crater.


Umabot sa kabuuang 5,831 tonelada kada araw ang volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions mula sa main Taal crater na iniulat noong nakaraang Hunyo 1. Ito ay mas mataas kaysa sa average na 3,556 tonelada kada araw.


Inilarawan ng Phivolcs ang “vog” bilang pinong patak ng likido na naglalaman ng sulfur dioxide, isang acidic volcanic gas na nakaka-irita sa mga mata, lalamunan, at respiratory tract.


Pinayuhan ng Phivolcs ang mga buntis, senior citizens, mga bata, at mga indibiduwal na may asthma, sakit sa puso, respiratory disease, na huwag nang lumabas ng bahay at magsuot ng face mask kung kinkailangan.

About Author

Show comments

Exit mobile version