Banta ng Bulkang Mayon: Libo-libo ililikas

0

LIBO-LIBO pang residente sa Albay ang ililikas sakaling ma-extend ang permanent danger zone.
Ito ang pahayag ng mga mayor sa apektadong bayan ng Albay.


Mahigit 14,000 mga Pilipino ang na-displaced dahil sa patuloy na panganib ng Mayon Volcano, na sa ngayon ay naglalabas ng lava, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Ayon kay Guinobatan Mayor Paul Garcia, mahigit 3,000 pamilya na nakatira sa six- at seven-kilometer danger zone ang labis na naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Sa bayan ng Sto. Domingo, mahigit 2,000 katao na ang nailikas sa nabanggit na danger zone at pansamantalang naninirahan sa evacuation centers.

About Author

Show comments

Exit mobile version