Hindi na kainlanman magpapasakop ang Pilipinas – Marcos

0

IDINIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi na kainlanman magpapasakop ang Pilipinas sa kahit na sinong panlabas na pwersa, habang hinikayat niya ang mga Pilipino na magtiwala sa mga nagawa natin noong nakaraan habang patuloy na hinaharap ang mga bagong hamon sa ating kalayaan.


Ito ang tema ng kanyang opisyal na pahayag para sa ika-125 araw ng kasarinlan, sa isang seremonya sa Maynila.


Sinabi ng Pangulo na ang bansa ay naging isang malusog at masiglang republika. Pero binanggit niya na patuloy na sinisira ito (tulad sa kalawang) ng sitwasyong politikal at problema sa lipunan gaya ng kahirapan, hindi pagkaka-pantay, atbp., na patuloy na umaagaw sa tagumpay ng malayang Pilipinas.


Nangako si Marcos na ang kanyang administrasyon ang mangunguna sa lahat ng Pilipino para matamo ang tunay na kalayaan.


Binanggit ng Pangulo ang mga sakripisyo at pagbubuwis ng dugo na ginawa ng ating mga bayani laban sa mga banyagang mananakop, para matamo ang kalayaan.


“Hinahamon ko ang bawat isa sa atin: Patuloy nating igiit ang ating kalayaan sa bawat araw,” pagwawakas ng Pangulo.

About Author

Show comments

Exit mobile version